ANG KAPALIGIRAN Sa Islam ang kaugnayan sa pagitan ng sankatauhan at ang kapaligiran ay batay sa katotohanan na ang lahat ng bagay sa daigdig na ito ay upang sambahin ang Allah. Ang pagsambang ito ay hindi lamang isang rituwal na pagganap, ngunit ito’y pinapakahulugan sa pamamgitan ng mga gawa; na ang ibig sabihin ito’y bahagi ng paniniwala ng Muslim upang hindi sirain ang kapaligiran. Sa karagdagan, ang sankatauhan ay may-pananagutan para sa kabuhan at pangangailangan ng ibang nabubuhay sa paligid ng mundo, katulad ng hayop at lahat ng uri ng halaman na hindi masira o mawasak ang kapaligiran nito. PANGANGALAGA SA MGA PUNO Ang Propetang si Muhammad ay hinimok ang pagsasakahan upang lumago ang pinagkukunan ng paghahalaman at upang palawakin ang mabiyayang kapaligiran. Sinabi niya: “At kung ano man ang inanim ng isang Muslim o mag-alaga ng binhi o ng isang halaman, o ng isang tao, o ng isang hayop, o ano pa man na kaniyang inalagaan, ito ay ibibilang para sa kaniya na isang gawain ng kawanggawa. (Iniulat ni Al- Bukhari) At gayon din, Ang Propeta Muhammad ay ang kaunaunahang nagtatag ng pangangalaga ng kapaligiran, na ang mga puno ay hindi maaaring putulin at ang mga hayop ay huwag papatayin. Pinangalagaan niya ang buong Madina na ditoy walang puno na aalisin at walang anomang bagay na dapat putulin at maaring gamin na magiging sanhi sa kamelyo na umalis. Sinabi niya: Ito ay banal, at walang puno dito ang maaaring putulin, maliban na ang isang tao ay pakakainin ang kaniyang kamelyo. Sinabi rin niya: “Hindi ko ipinahihintulot na ang puno sa pagitan ng dalawang batong maim (palatandaan ng hangganan) ng Madina na putulin ito.” (iniulat ni Al-Bukhari) ANG TUBIG Ang pagbabawal na dumihan ang pinagmumulan ng tubig, mga daanan at ilang pang bahagi ng pangkaraniwang kalikasan, ay ilan sa mga alituntunin sa Islam na pinagsisikapang panalihing malusog ang kapaligiran at Malaya sa karumihan.