2. Layunin ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman ang persepsyon ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kursong Accountancy hinggil sa preperensyang Universidad: Layunin nitong masagot ang mga sumusunod na tiyak o espesipik na katanungan: 1. Ano ang preperensyang Universidad na nag-aalok ng kursong Accountancy ng mga mag-aaral sa unang taon ng Accountancy sa Universidad ng Makati? 2. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit pinili nila ang nasabing Universidad? 3. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hindi sila dito pumasok? 4. Ano ang mairerekomenda ng mga mag-aaral sa unang taon ng Accountancy upang mas mapaunlad o mapabuti pa ang programang Accountancy sa Universidad ng Makati? 5. Ano ang kanilang persepsyon sa pananaw na ”ang kinabukasan ng isang tao ay nakasalalay sa paaralan”?