"Ibong Adarna" Tagapagsalaysay: Ang kwento nito ay magsisimula sa isang masayahing kaharian ng Berbanya. Doon, halos araw- araw ay may handaan. Ang hari ng Berbanya ay si Haring Fernando at ang asawa nito ay si Reyna Valeriana. Ang mag-asawa ay may tatlong binatang anak. Sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Haring Fernando: Magsisimula na ang handaan, mga anak! Pumili na kayo ng mga babae na isasayaw ninyo. Maraming magagandang mga babae na nandoon sa labas at naghihintay sa inyo. Reyna Valeriana: Ehem. Haring Fernando: Ngunit, di hamak na mas maganda pa rin ang reyna ng puso ko. Alam mo na man, 'di ba mahal kong, Valeriana? Tagapagsalaysay: Habang nag-uusap ang selosang reyna at ang kawawang hari ay nag-uusap rin ang tatlong mga prinsipe. Don Diego: Narinig mo si papa, mga kapatid? Marami na raw'ng chicks sa labas! Ano pa ba ang hinintay natin? Don Juan: Hay nako, si Kuya Diego talaga! Don Pedro: Tumigil nga kayong dalawa! Para kayong mga naliligaw na mga unggoy na nanggagaling sa kagubatan! Tagapagsalaysay: Kitang-kita na naman ang mga iba't ibang kaugali ng mga magkakapatid. Ang panganay na si Don Pedro, ay seryosong-seryoso. Isang habulin ng mga kababaihan naman si Don Diego ang ikalawa. Ang bunso na si Don Juan ay mabait na mabait. Babae #1: Kahangahanga ang anging gwapo ng mga prinsipe! Babae #2: Tayo’y maswerte at nakakasilay tayo ng mala Adonis na mga kalalakihan Babae #3: Para akong lumulutang sa hangin! Don Diego: Isang Magandang Gabi sa inyo mga Binibini! Ako si Prinsipe Diego. Ikalawang anak ng mahal na hari at reyna ng Berbanya. Maaari bang makisayaw, magandang binibini? Babae #1: Oo! Oo! Halika na at magsayaw na tayo! Don Diego: Kung iyan ang iyong gusto binibini Haring Fernando: O. Pedro, Juan. Ba't pa kayo hindi pumili? Don Juan: Magandang gabi, binibini. Maaari bang makisayaw? Babae #2: Sige po, mahal na prinsipe. Don Pedro: Halika nga! (Hila sa huling binibining natira) Haring Fernando: Ako ay maligaya na nandito na lahat kayo. Ngayon, magsimula na tayo sa handaan! -- Haring Fernando: Nahihilo na ako, yata. Mabuti pang papasok muna ako sa kwarto. Reyna Valeriana: Okay ka lang ba, Fernando? Mas mabuti pa kung sasamahan kita sa kwarto. Haring Fernando: Hindi. Hindi. Kawawa naman ang mga bata. Dito ka lang hanggang matapos ang handaan. Reyna Valeriana: Sige, Fernando. Don Juan: Ano kayang nangyari kay papa? Don Diego: Hindi ko alam. Kasama ko kasi ang isang babae. Eh, hindi ko na alam rin kung ano ang nangyayari sa paligid ko! Don Pedro: Ano ba itong kalokohan? Wala akong pakialam kung ano ang nangyayari kay papa. At lalo pa akong walang pakialam sa handaang ito! Tagapagsalaysay: Sa pag-alis ng hari ay naging malungkot ang handaan. Pag-alis naman ni Pedro ilang sandali lamang ay tumigil na ang party. -- Tagapagsalaysay: Nag-aalala na ang reyna sa kanyang asawa. Umupo siya sa trono niya dahil matakot siyang madisturbo ang asawa niya. Ngunit, narinig niya ang malakas na pag-iyak ng kanyang asawa pagkatapos umalis na ang lahat.