Saklaw at Limitasyon Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay tungkol sa “Mga Salik na nakakaapekto sa pagbaha sa Barangay Rosario Taong 2012-2013”. Ang kabuuang bilang ng mga tagatugon ay 30 residente ng Brgy. Rosario, at may edad na 16-pataas. Ayon sa aming pananaliksik na aming isinagawa at tinugunan ng mga residente ng Brgy. Rosario ang pinakamataas na porsyento na salik nakakaapekto sa pagbaha ay ang baradong kanal o daluyan ng tubig na may bilang na 27 tagatugon at ang pinakamaliit na nakakuha ng porsyentong 20% na may bilang na 7 tagatugon.