Epekto ng Pagkakalayo ng Pamilya sa Pag-iisp ng mga Bidang Karakter Sa Pelikulang Magkakapatid Introduksyon: Sa konteksto ng lipunan ng tao, ang pamilya (mula sa salitang Latin: familia) ay isangpangkat ng mga tao na kaanib sa pamamagitan ng pagkakamag-anak. Ang pamilya ay ang syang pangunahing unit ng lipunan.Sinasabing, ang pamilya ang syang humuhubog hindi lang sa lipunan kundi maging sa miyembro ng kanyang pamilya o mag-anak. Ngunit papano niya magagampanan ang tungkulin kung sila ay magkalayo o may kinakaharap na problema. Isa sa mga pangunahing problema ng bawat pamilya sa mundo ay ang pagkakalayo o “broken family”. Sa paglipas ng panahon, marami naging pagbabago ang nagaganap sa mga pamilya sa buong mundo. Sa kabila ng matibay na pagkakabuklod-buklod ng bawat pamilya, hindi maiiwasang marami namang pamilya ang nagkakawatak-watak. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng isang broken family o isang sirang tahanan, kung saan ang nanay at tatay ay hindi magkasamang naninirahan sa iisang tahanan upang itaguyod ang kanilang mga anak. Ang Broken Family ay isang pamilyang pinaghiwalay dahil sa iba’t-ibang kadahilanan. Maaring sakit, diborsyo o ang pinaka kilala sa lahat, economic status. Ayon sa mga dalubhasa ang pinaka maapektuhan sa ganitong social isyu ay ang mga pinaka- batang miyembro ng pamilya o mga anak. Isa sa mga pangunahing problemang kinakarap ng bansang Pilipinas ang “Broken Family”, na nag-uugat pa sa marami pang problema. Una, ang pagtaas ng lebel ng mga kabataang lolong sa masamang Gawain. Pangalawa, ang pagdami ng mga kbataang maagang nagkaka-anak at panghuli ang crime rate.