KABANATA I SANDIGAN SA PAG-AARAL A. Introduksyon Sa paglipas ng panahon, ang ating sining ay patuloy na yumayabong. Ang musika ay isa sa mga mayayamang sining na ating tinataglay sa kasalukuyan. Ang karaniwang sangkap ng musika ay “pitch” o antas, “rhythm” o ritmo, daynamiks at lahat ng katangian ng timbre at tekstura. Ito ay isang kasangkapan upang maipahayag ang mga itinatagong saloobin ng bawat isa na karaniwang masasaksihan sa mga kabataan ngayon. Ang musika ay nakalilikha ng mga damdaming nananaig katulad ng ligaya, kalungkutan, pagkagalit, pagsisisi at pusong mapagmahal. Gayunpaman, ang musika ay hindi lamang isang himig na nilapatan ng tunog na may kaakibat na mga salita o lyrics, sapagkat ito ay tunay na makapangyarihan sa mga nilalang na nakapagdudulot ng mabuti at masamang epekto. Ang nag-udyok sa mga mananaliksik na magsagawa ng isang masusing pag- aaral tungkol sa paksa ay ang kanilang mga mapagtanong na isipan. Layunin nilang mabigyang kasagutan ang mga tanong na bumabalot sa kanila katulad ng mga epekto at impluwensya na maaaring maidulot ng mga dahuyang musika sa mga kabataang Pilipino, lalo na sa mga mag-aaral ng WUP-CBA. Ang karaniwang musika na tinatangkilik at kinahuhumalingan ngayon ng mga kabataan ay ang “Korean Pop Music,” o “K-Pop” kung tawagin, na karaniwang inaawit at sinasayaw ng mga sikat na grupo ng mga Koreanong lalaki at babae. Ilan sa mga ito ay ang BTS, EXO, 2NEI at marami pang iba. Sa kabilang dako, ang mga musikang Ingles na kinakanta ng mga sikat na mang-aawit kagaya nila Justine Bieber, Ariana Grande, Taylor Swift, Lady Gaga, Ed Sheeran at iba pa ay pasok din sa panlasa ng masa lalo na sa mga kabataan. Hindi lamang ang mga banyagang bansa ang may mga ipinagmamalaki at may magagandang awitin na pinasikat kundi pati na rin ang mga Pilipino, katulad na lamang nina Rey Valera, Yeng Constantino, Sarah Geronimo at iba pa. Bagama’t, mayroong