Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO Rasyonale Ang pagkatuto ay pundasyon ng kaalaman. Ito ay isang salik sa pagkamit ng isang maganda at mahusay na performans sa alin mang larangan. Sa pamamagitan ng pagkatuto, nahuhubog ng mga tao ang kakayahang umunawa at maghinuha ng mga konsepto na maiuugnay sa lipunan. Ang pagkatuto ay isang panghabambuhay na proseso at patuloy ang pagtuklas ng mga panibagong ideya tungo sa karungan. Sa katunayan sa panahon kung gaano karami ang kaalamang nais matamo ay ganoon din ang nais matutuhan kaya walang hangganan ang pagkatuto. Sa pagtamo ng dekalidad na edukasyon. Ang pagkatuto ay nagaganap sa pamamagitan ng reorganisasyon na dating termino na pinahihintulutang unawain anng isang makabuluhang pagkakaugnayan a bagong problema o pangyayari. Kapag ang pagkakaugnayang ito ay naunawaan, natatamo ng mga mag-aaral ang pananaw sa problema o suliranin. Ang mahalagang pagbabago sa malalimang pagkatuto ay persweptwal at kognitibo. Inilahad sa Facilitation Theory (Ursos, 2010)na ang pagkatuto ay mangyayari sa pamamagitan ng isang tagapagturo na gumaganap bilang tagagabay, iyan ay sa pamamagitan ng pagtataguyod ng isang kaaya ayang paligid kung saan ang mga-aaral ay komportable sa pagsasa alang alang sa mga bagong ideya at ang mga itoy hindi na naabala sa mga panlabas na mga aspeto.