ANG PILIPINAS NOONG PANAHON NI RIZAL a. Hindi matatag na administrasyong kolonyal (Instability of Colonial Administration) -Naging magulo ang pulitika ng mga Kastila mula pa sa maligalig na paghahari ni King Ferdinand VII (1808-1833) -Apektado ang Pilipinas dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabago- bago ang mga kailangang sundan na patakaran. Halimbawa: 1835-1897-pinamunuan ang Pilipinas ng 50 na gobernador heneral -Dahil dito hindi na tuluyang umunlad ang pulitika at ekonomiya ng Pilipinas. Kung mayroon mang gagawin na pangako o bagong patakaran ang isang gobernador heneral, hindi ito matutuloy dahil siya ay mapapalitan nanaman ng bagong gobernador heneral. b. Korupt na Kolonyal na Opisyales (Corrupt Colonial Officials) -Malulupit, hindi makatarungan, madadaya at korupt ang mga opisyales na ipinapadala ng Espanya sa Pilipinas -Halimbawa: Hen. Rafael de Izquierdo-ginalit ang mga Pilipino noong ipinapatay niya kahit inosente sila Padre Mariano Gomez , Jose Burgos at Jacinto Zamora -Halimbawa: Hen. Valeriano Weyler-dumating sa Manila na isang mahirap na tao, mayaman nang bumalik sa Espanya; tinawag siyang " The Butcher " ng mga taga-Cuba dahil sa kanyang walang awang "reconcentration policy" na nagdulat sa kamatayan ng ilang libong taga-Cuba; brutal na persekusyon ng pamilya ni Jose Rizal c. Pagkakaroon ng Representasyon sa Pilipinas sa Spanish Cortes (Philippine Representation in Spanish Cortes) -Pinayagan ng Espanya na magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Spanish Cortes upang makuha ng Espanya ang suporta sa kanilang mga kolonya noong panahon ng Napoleonic invasion. -first period of representation (Pilipinas): 1810-1813-magagandang epekto sa Pilipinas -Ventura de los Reyes-unang delegatong Pilipino; pinaalis ang "galleon trade" -naalis ang representasyon ng mga kolonya ng Espanya (kasama ang Pilipinas) sa Spanish Cortes noong 1837- sumama lalo ang kondisyon ng Pilipinas -Graciano Lopez Jaena-isa sa mga nanguna sa pagprotesta sa mga Kastila na magkaroon muli ng Pilipinong delegato sa Spanish Cortes d. Nawalan ng mga Karapatan ang mga Pilipino (Human Rights Denied to Filipinos) -Ikinatutuwa at binibigyang halaga talaga ng mga tao sa Espanya ang kanilang kalayaan, maliban sa relihiyon -Ngunit hindi nila ito pinayagan o binigay sa mga Pilipino sa Asya -Sinibaldo de Mas (Kastilang diplomat at economist) -"Why do we fall into an anomaly, such as combining our claim for liberty for ourselves, and our wish to impose our law on remote peoples? Why do we deny to others the benefit which we desire for our fatherland?" e. Walang Pantay-pantay sa Harap ng Batas (nO Equality Before The Law) -Noong ipinakilala ng mga Kastilang misyonero ang Kristiyanidad sa Pilipinas noong mga 1600s, tinuro nila na pantay-pantay ang tingin ng Panginoon sa lahat ng tao kahit magkakaiba lahat. Dahil dito, maraming Pilipino ang naging interesado sa pagiging Kristiyano -Pagdating naman ng mga Kastilang awtoridad, hindi nila ipinalaganap ang itinuro ng mga Kastilang misyonero sa Pilipinas. Iniisip nila na mas superyor sila sa mga Pilipino at hindi raw nila kapatid ang mga Pilipino sa Panginoon. Itinuturo nila na pantay ang mga Pilipino at ang mga Kastila sa mata ng Panginoon, ngunit hindi nila ito ginagawa kapag isasama na ang batas at hindi rin nila ito sinusundan. -Leyes de Indias (Laws of the Indies)-prinoprotektahan ang mga karapatan ng mga tao sa mga kolonyal na bansa ng Espanya; hindi ito naisasagawa sa mga bansang kolonyal ng Espanya, pati ang Pilipinas -Ang batas daw ay para sa mga puting Espanyol lamang -Spanish Penal Code-isinagawa sa Pilipinas; mas mabigat na penalty sa mga Pilipino keysa sa mga Kastila