Julienne Aleeza B. Francisco December 4, 2015 2015 – 02314 Filipino 40 Making Paliwanag the Conyo Wika Sa araw araw nating buhay, may mga iba’t-ibang tao tayong nakikita, nakakasalimuha at nakakausap. Mula sa ating mga nagiging katabi sa mga dyeep hanggang sa mga manang na naghahanda ng ating pagkain sa mga karinderya, marami tayong napapansing mga bagay tungkol sa kanila. Napapansin natin ang kanilang paraan ng pagsasalita, pananamit, galaw ng katawan at interaksyon sa ibang tao. Nadidiskubre natin ang mga iba’t ibang mga katangian ng mga tao, lalo na ang iba’t ibang manipestasyon ng pagiging Filipino. Kahit na tayong lahat ay Filipino, hindi nagkakapareho ang ating wika at kultura. Naiiba ang wika ng isang estudyanteng nag-aaral sa kolehiyo sa wika ng isang manininda ng isda sa palengke. Naiiba ang mga palabas at sineng pinapanood ng isang propesor sa isang katulong ng mayamang pamilya. Isa sa mga prominenteng paaraan ng pamumuhay sa lipunang Pilipino ngayon ay ang kultura ng mga conyo. Laganap ang kulturang conyo sa ating mundo ngayon; tumatayong ebidensiya ang mga slang ng mga estudyanteng galing sa mga pribadong paaralan, ang mga komersyal sa telebisyon at ang mga parody Twitter accounts tulad ng Conyos of Manila. Ang wika at kultura ng mga conyo ay sumasalamin sa kasalukuyang estado ng lipunan ng Pilipinas. Liban sa sikat na paniniwala na ang pagiging conyo ay nagmula lamang sa henerasyong ito, ang katagang conyo ay higit isang daang taon nang ginagamit sa ating bansa. Nagsimula ito noong panahon ng mga Kastila sa ating bansa. Ang katagang “conyo” ay galing sa wika ng mga Kastila, at ang ibig sabihin nito ay puke ng isang babae. Karniwan itong ginagamit bilang slang ng mga mayayamang Kastila. Kinakabit nila ang salitang ito sa dulo ng lahat ng kanilang mga