Bigwas sa Neoliberalismo, Dutertismo Para sa Obrero: Mga Mungkahing Repormang Maka-Manggagawa sa Pilipinas 1 David Michael M. San Juan Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila Abstrak Sa pagsisimula ng administrasyong Duterte, dalawang nagbabanggang perspektiba sa Dutertismo ang namamayani: perspektibang negatibo na nakatuon sa persepsyong neoliberal-awtoritaryan ang pangkalahatang ideolohiya ng ikalabing-anim na pangulo ng Republika ng Pilipinas, batay sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag at 8-puntong programang ekonomiko; at perspektibang positibo na nakapokus naman sa progresibong potensyal ng ika-anim na administrasyong post-Edsa, batay sa kanyang kapuri-puring track record ng pakikipag-ugnayan sa mga pwersang progresibo. Sa ganitong konteksto, ang papel na ito’y naglalayong makapag-ambag sa pagtitimon ng barko ng Dutertismo tungo sa higit na positibo/progresibong direksyon at palayo sa mga polisiyang neoliberal tulad ng pleksibilisasyon ng paggawa, pribatisasyon ng mga serbisyo, mababang pasweldo, regresibong sistema ng pagbubuwis atbp., partikular sa pamamagitan ng paglalahad ng mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas, sa lente ng Marxismo at mga kritikal na perspektiba sa neoliberalismo. Mga susing salita: Patakarang pampaggawa, Neoliberalismo, Marxismo, Dutertismo 1 Borador/draft na isinumite sa isang progresibong journal.