Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin. Mga Positibong Epekto: · Pag-unlad ng antas ng libangan · Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan · Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa · Global Networking · Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya · Mas makakamura sa ibang paraan Mga Negatibong Epekto: · Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao · Maaaring gamitin sa karahasan