Layunin: Demand Ano ang isinasaad ng Batas ng demand? Ang Batas ng Demand ay isa sa mga pangunahing batayan sa pagsusuri ng demand. Ayon dito, kapag mababa ang presyo ng isang produkto, maraming mamimili ang magkakaroon ng kakayahan o nais bilhin iyon. Kapag mataas naman ang presyo, kakaun lamang ang may kakayahan o nais bumili. Kung kaya ang presyo ng bilihin ay nakabatay sa batas ng demand. TALA-EKONOMIKS *Demand Determinants- mga salik na maaaring makapagpabago ng demand sa mga produkto. *Purchasing Power- kakayahan ng isang indibidwal na bumili ng yak na dami ng isang produkto o serbisyo batay sa laki o liit ng kanyang kita. *Budget Line- halaga na inilalaan ng isang mamimili o indibidwal upang gastusin o ipambili ng isang produkto o serbisyo. *Demand Funcon- isang aritmekong paraan na nagpapakita ng relasyon ng presyo at dami ng demand. *Iskedyul ng Demand- ipinakikita ang pagbabago ng dami ng demand sa presyo ng isang bilihin o produkto. *Kurba ng Demand- inilalarawan pagbabago ng dami ng demand at presyo ng isang bilihin o produkto. Sinusuri ng mga mamimili ang mga paninda bago bumili KITA Ang Kita ay ang halagang sinasahod ng mamimili mula sa pagtatrabaho o pagpapaupa ng kanyang ari- arian o serbisyo. POPULASYON Ang Populasyon ay ang dami ng tao sa isang yak na lugar. Ang populasyon ay nakapagpapataas ng demand para sa lahat ng uri ng bilihin sa isang pamayanan. PANLASA AT PAGTATANGI NG MAMIMILI Ang Panlasa at Pagtatangi ng Mamimili ay tumutukoy ito sa nais o kagustuhan ng mga mamimili. PRESYO NG IBA PANG PRODUKTO Ang Presyo ng iba pang produkto o related goods ay tumutukoy ito sa pagbabago ng presyo ng produkto na maaaring ihalili o pamalit sa isang produkto o kaya naman ay produkto na binibili at kinokunsumo kasabay ng isang produkto. 3 Uri ng Demand Iskedyul ng Demand - naipapakita ang pagbabago ng dami ng demand sa presyo ng produkto at serbisyo na nais at kayang bilhin ng isang mamimili. Ang Kurba ng Demand ay ang grapikong paglalarawan ng dami ng demand o iskedyul ng demand ng isang mamimili. Ang Pungsyon ng Demand ay ang relasyon ng presyo at dami ng demand na maaaring maipakita sa grapikong paglalarawan. Ano ang Kahalagahan ng Presyo ng Demand? Para sa aking sariling opinyon, ang kahalagahan ng presyo ng demand ay maaari mong makita ang galaw at ang kilos ng demand ng isang produkto at serbisyo.