47 Pamimilosopiya, Wika, at Mga Baluktot na Katuwiran: Tungo sa Pagpapayaman ng Wikang Pilosopikal sa Pilipinas Emmanuel C. De Leon Departatmento ng Pilosopiya Unibersidad ng Santo Tomas Si De Leon ay propesor sa Departamento ng Pilosopiya, Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Pilosopiya sa Saint Augustine Seminary at ng Masterado sa Pilosopiya sa UST. Kasalukuyan siyang mag-aaral ng PhD. sa Pilosopiya sa Gradwadong Paaralan ng UST, at tinatapos ang kaniyang disertasyon tungkol sa uri diskurso ng mga pangunahing Tomasinong pilosoper. Kasalukuyan din siyang kawaksing mananaliksik sa Research Center on Culture, Education, and Social Issues (RCCESI) ng Unibersidad ng Santo Tomas. Nailathala ang kanyang mga pananaliksik sa Malay (2014), HASAAN: Opisyal na Journal sa Filipino ng Unibersidad ng San Tomas (2014), FILOCRACIA: An Online Journal of Philosophy (2014), KRITIKE: An Online Journal of Philosophy (2016, 2015, 2014 & 2013), at Dalumat E-Journal (2012). Nakasentro ang kaniyang mga pananaliksik sa mga temang may kaugnayan sa teknolohiya, pluralismo, at Pamimilosopiya sa Pilipinas. Abstrak Bilang tugon sa paniniwalang nasa kahinaan ng wikang pilosopikal ang pagkalugmok ng pilosopiya at pamimilosopiyang Filipino, naglalayon ang papel na ito na makapag- ambag ng ilang kataga na magagamit sa pakikipagdiskursong pilosopikal. Tinalakay ang ilang fallacies na tinumbasan naman ng bansag na mga “baluktot sa pangangatuwiran” upang pasubalian ang kalimitang pagwawari na hindi maaaring ipahayag sa sariling wika ang mahahalagang aralin sa asignaturang lohika. Ilang mga mungkahing salin ng mga baluktot na katuwiran ang inihahain ng papel bilang patunay na nararapat na kilalanin ang pamimilosopiyang Filipino bilang mahalagang larang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa at sa larangan pagtuturo ng lohika at pangangatuwiran. Mga Susing Salita lohika, wikang pilosopikal, pamimilosopiyang Filipino, baluktot na katuwiran