Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila 5 Genre at Halimbawa Kwentong-bayan ->Ang kuwentong bayan ay isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa pamamagitan ng mga bibig. Binubuo ito ng mga alamat at pabula. Halimbawa ng mga salaysay nito ay tungkol sa bayani at mga kwentong tungkol sa kaugalian at tradisyon ng isang pook, tribu, bayan o mga bansa. Mito -> kuwento o salaysay hingil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba't ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa , kuwento ng tao at ng mahiwagang linikha. Alamat -> alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Salaysayin ->ito’y mga tuluyang pasalaysay na itinuturing na katha-katha o kathang-isip lamang at hindi kinokonsedirang dogma o kasaysayan. Pabula ->ito’y pawang kathang-isip lamang na mahirap mangyari o sadyang hindi mangyayari.