Katangian ng Tauhan Bandong Cruz – Siya ay isang maestrong hinirang upang maging panibagong punong- guro ng isang paaralan sa Sampilong. Siya ay ulilang anak ng isang magsasaka at pinalaki ng kanyang tiya. Siya ay matuwid, matulungin, responsable, at mapagkakatiwalaan kaya palagay sa kanya ang mga maralitang tao sa Sampilong. Don Severo at Donya Leona Grande – Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sa kanilang mga manggagawa. Mayroon silang dalawang anak na nagngangalang Jun at Ninet. Madalas silang magsimba ngunit sila’y lubhang sakim at gahaman. Maaaring maalintulad sa matakawa na buwaya. Dislaw – Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, di maganda ang ugali at kinamumuhian ng mga magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalagang si Pina. Palagi siyang may dala-dalang rebolber saan man magpunta. Pina – Ang nilalaman ng puso ni Bandong at ni Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at Aling Sabel. May kapatid siyang lalaki na nagngangalang Dinong. Tinangka siyang gahasain ni Dislaw sapagkat di niya ito makuha sa santong dasalan. Andres – Isang iskwater na may lihim na pagkatao. Napagbintangan siyang magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lang sa kanya. Siya ang asawa ni Sedes at mayroon silang apat na anak. Lingid sa kaalaman ng iba na siya pala ang tagapagmana ng malaking lupain na Kabesang Resong, isang mayaman ngunit mabuting kabesa noon. Tasyo – Siya ang hinirang na pinuno ng union. Madalas siyang makipagtalo sa mga Grande at kay Dislaw dahil nais niyang maprotektahan ang kanilang karapatan at mabigyan ng hustisya ang mga pang-aabuso sa kanilang mga mahihirap. Ba Inte - Pinakamatandang residente ng nayon ng Sampilong. Kosme - Alagad / tauhan ni Donya Grande. Jun - Anak ni Donya Leona na nagtapos ng medisina. Ninet - Anak ni Donya Leona na nagtapos ng parmasya. Iska - Mayordoma sa bahay ng mga Grande. Cely - Kapatid ni Dislaw. Sedes - Asawa ni Andres. Mang Pablo - Presidente ng eskwelahan nina Bandong. Hepe Hugo - Ang pumirma sa kasong administratibo laban kay Bandong.