Layunin Pagkatapos ng aralin, dapat na: natatalakay mo ang kahulugan ng impormal na sektor, ang dahilan sa pagkakaroon nito, at epekto nito sa ekonomiya ng bansa Ano ang impormal na sektor? Ano-ano ang dahilan sa pagkakaroon ng impormal na sektor? Ano-ano ang epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ng bansa? Alamin ang mga sagot sa araling ito! Pag-aralan Natin Impormal na Sektor binubuo ng mga gawaing pang-ekonomiya na hindi nakarehistro sa pamahalaan kilala rin bilang "sektor na hindi nakikita," "nakatagong ekonomiya,""underground economy," o "black market" mga gawaing labas sa normal na gawain ng ekonomiya ang kita sa mga gawaing ito ay hindi naibibilang o naisasama sa kabuuang kita ng ekonomiya kabilang dito ang mga taong naghahanapbuhay sa mga gawaing iligal o ipinagbabawal ng batas tulad ng pagnanakaw o pagpupuslit ng mga produkto Iba't ibang Anyo ng Impormal na Sektor