A Michael Armand P. Canilao, M.A. Archaeological Studies Program, U.P. Diliman Department of Sociology and Anthropology, AdMU ng Pilipinas ay sadyang pinagpala sa yamang mineral. Ang mekanismo at proseso ng bulkanismo ang siyang sanhi ng pagkakaroon ng mga deposito ng ginto, pilak, tanso, at iba pa mula hilaga patungong timog ng arkipelago. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang isa sa mga pangunahing bansa sa buong mundo na pinagkukunan ng ginto. Sa katunayan, sa sukat ng ginto na nakukuha, pumapangalawa tayo sa Timog Aprika pagdating sa dami ng produksyon ng ginto kada kilometro kuwadrado ng lupa. Ang mga pangunahing lugar na mapag- kukunan ng ginto sa Pilipinas ay ang Baguio (Benguet), Paracale, Masbate, at Surigao (Villegas, 2004, pah. 15-16).