Ka Ang Ka ang tawag o titulong ikinakabit sa isang pangalan upang magbigay ng paggálang sa isang nakatatanda o malayòng kamag-anak. Sa isang pa- mayanan, ginagamit din ito sa sinumang iginagálang o kaisa sa pananalig. Walang kinikilálang kasarian ang tawag na ito at madalas na ikinakabit ito sa palayaw o unang pangalan ng tao. Halimbawa, “Ka Teban” o “Ka Petra.” Isang magandang katibayan ito sa pantay na katutubong pagtingin sa kasar- ian ng mga Filipino. Ang naturang pantawag, kung tutuusin, ay pangalan din sa titik na K at ipinambubuo sa mga karaniwang katangiang pang- komunidad at pangmaramihan. Mahihiwatigan dito ang malabis na pag- gamit sa K ng Katipunan bilang isang kapatiran ng sambayanan. (MJCT) ed VSA