Kahalagahan ng Pagaaral Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay magbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga elektronikong babasahin, malaman ang mga kahalagahan ng mga ito, at masagot ang kanilang mga tanong tungkol sa bagay na ito. Mahalagang mapagaralan ito upang malaman ng bawat isa sa an ang kahalagahan ng mga elektronikong babasahin at magamit ito ng husto sa sistema ng edukasyon ng bansang Pilipinas sa mga susunod na henerasyon. Sa mga Estudyante, ang pag-aaral na ito tungkol sa elektreonikong babasahin ay napakahalaga dahil sa panahon ngayon na sobrang bilis ng pagunlad ng teknolohiya ay dapat makasabay ang mga kagamitan ng mga estudyante lalong lalo na ang libro sa pagtaas ng lebel ng teknolohiya. Ang pag-aaral na ito ay yak na makakatutulong sa paglawak ng kanilang kaalaman at kakayahan na makakatulong upang malinang ang mga estudyante at mapagtagumpayan nila ang mga problema bilang estudyante sa kani-kanilang larangan. Sa mga Propesor, makakatulong din ito sapagkat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga elektronikong babasahin ay nagkakaroon ng mga bagong paraan ang ang mga minamahal na mga guro. Mabibigyan din nila ng pagkakataon ang mga estudyante na malinang ang kanilang mga kaalaman at kakayanan sa kanilang mga kurso sa ginhawa ng kani-kanilang “smartphones”. Kaming mga mananaliksik ay lubos na nasisiyahan dahil sa pamamagitan ng aming pag-aaral, makakatulong kami hindi lamang sa mga estudyante kundi sa ang mga propesor upang malinang ang kanilang galing sa kanilang mga larangan.