Pahayagan - Ang pahayagan , diyaryo , o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita , impormasyon at patalastas , kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan. Komiks - Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento . Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba [1] ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks sa kasaysayan , lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri ( genre ), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon. Magasin - Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo , kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa. Maaring maipamahagi ang mga magasin sa pamamagitan ng koreo , pagbebenta sa mga tindahan ng pahayagan , aklat o ibang mga nagbebenta, o sa pamamagitan ng libreng pamamahagi sa piling lugar na pagkukuhanan. Dagli - Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kwento . Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas , sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano . Pelikula - Ang pelikula , kilala din bilang sine at pinilakang tabing , ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan . Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula. Balita - Ang balita ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag , pagsasahihimpawid, Internet , o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang mambabasa, nakikinig o nanonood. Lathalain – Ang lathalain ay isang akdang batay sa misteryong sangkap sa pamahayagan na tinatawag na pangkatauhang kawilihan- isang pangyayari ng nakagaganyak sa atin dahil masasalamin natin dito ang ating sariling buhay. Kung ang balita ay tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayari, ang lathalain naman ay tumatalakay sa mga kawili-wiling bagay.