1 st FILIPINO VI Date: ______________ I. Layunin: Natutukoy ang mga saloobin at damdamin ng tagapagsalita na inihuhudyat ng; tono, bilis, diin at intonasyon Pagpapahalaga: Pagpapakita ng sariling pagsisikap II. Paksang Aralin Pagtukoy sa mga saloobin at damdamin ng tagapagsalita na inihuhudyat ng; tono, bilis, diin at intonasyon Sanggunian: BEC- PELC Pakikinig 1 Likha 6 ph. 188-190 Sining sa Wika 4 ph. 3 Kagamitan: Cassette, teyp III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagganyak: a. Itanong kung ang mga bata ay mabuting tagapakinig. b. Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata, pag-usapan at ipasulat ang tuntuning dapat sundin sa pakikinig, ipa-ulat sa mga lider ang mga sagot. Gabayan ang mga bata sa paggawa ng tuntunin. B. Panlinang na Gawain: Tawagin sa harapan ang mga tatlong bata na inihanda para sa dula-dulaan. Hayaang mapakinggang mabuti ang dula-dulaan. Matapos makita at mapakinggan ang duladulaan, ipasagot ang mga sumusunod na katanungan sa bawat pangkat. 1. Sinu-sino ang mga tauhan? 2. Anong damdamin ang ipinakita ni Angie sa dula? Bakit mo ito nasabi? 3. Anong damdamin/saloobin ang ipinakita. ni Myrna? Ni Aling Isang? Bakit mo ito nasabi? C. Pangwakas na Gawain: Iparinig ang inirekord na patalastas (Clusivol-Bawal Magkasakit). Talakayin ang damdamin ng babae sa patalastas? ng lalake? Paano nila natukoy ang saloobin at damdamin ng mga ito?