Pagsulat ng Balita Katuturan Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang. Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin. Pasalita. Kung ang ginagawang midyum ay ang radio at telebisyon. Pasulat. Kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin. Pampaningin. Kung ang midyum ay ang telebisyon at sine. Kahalagahan ng Balita 1. Nagbibigay-impormasyon Halimbawa: Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokon pa sa pitong oras gabi-gabi ay may mas mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon sa isang bagong pag-aaral. 2. Nagtuturo Halimbawa: Ang relaxaon techniques ay isang mabung paraan para labanan ang stress at mapapanali ang magandang kalusugan. 3. Lumilibang Halimbawa: Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys Reyes sa Presscon ng My Only Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng sariling eksena para mapansin niya. 4. Nakapagpapabago Halimbawa: Matapos na masangkot sa anomaly ang mga pulis ng Manila Police District Staon An-Illegal Drugs, iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa II police staon ng Manila Police District (MPD).