Acts Introduction Elias,Sisa, Padre Damaso, Dalawang Donya, Maria Clara at (Pinakamagandang Linya ) Crisostomo Ibarra : Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marami ang nagdurusa, marami ang nananahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayong mga kalaban ko, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin. First scene Tiya Isabel: Diyos ko! Narito na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagdating. (nakaharap sa bisita). . .Ay naku, Tiago, Diyos ko, nasaan ka na Tiya Isabel: Madre mia. Makikita niyo. Mga walang ingat. (Padre Damaso, pagala-gala) Padre Damaso: Tsk, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo sa San Diego, ngayo’y inilipat ako sa isang bayan; napakawalang galang na mga Indio!(walang kausap, nagsasalita habang pagala- gala) (napatigil si Padre Damaso ng kausapin ang lalaking kulay mais ang buhok. . .Si Padre Sibyla ay nasa isang tabi pinapanuod si P.Damaso at makikisawsaw sa usapan ng dalawa) Laruja: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito! Padre Damaso: Wala akong pakialam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indio, at makasalanan pa! Hindi marunong magkumpisal, walang pagbabago sa kalagayan ng bayan! Padre Sibyla: Maaaring masaktan niyo si kapitan. . . Padre Damaso: HMP! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiago na siya’y hindi isang Indio. Inuulit ko, wala nang makatatalo sa kamangmangan ng mga Indio! Laruja: Eh, padre, ang sakit mo namang magsalita, parang hindi mo matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak nyang si Maria Clara. Hindi ba kaibigan mo din yung yumao na si Don Raph. . . (sumabad si Padre Damaso) Padre Damaso: Tumigil ka! Para kang kung sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin! (biglang natigil ang usapan) Tiya Isabel: Aba, nandito na ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niya si. . . . Ibarra: Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong Makita kayong lahat. (nagpalakpakan, liban kay Ibarra) Kapitan Tiago: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwan muna kita. Ibarra: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na si Raphael Ibarra! Mukhang nagkamali po yata ako. Ipagpaumanhin po ninyo. Padre Damaso: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsa’y hindi ko naging kaibigan ang iyong ama! Tiago: Ah, kilala mo pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan! Donya Victorina: Ikaw ba ang anak ni Don Rafael Ibarra? Argh! Bastos itong bata ‘tong yumukod lamang sa akin. Victorina: Argh… wala ka bang mata?! Tinyente: Malinaw na malinaw po Donya Victorina at higit na malinaw kaysa sa mga mata ninyo, pero sa katitingin ko sa kulot na buhok ninyo…