Asia Pacific Journal of Education, Arts and Sciences | Vol. 1, No. 5 | November 2014 _____________________________________________________________________________________________________________________________ 129 P-ISSN 2362 – 8022 | E-ISSN 2362 – 8030 | www.apjeas.apjmr.com Morpolohikal na Varyasyon Sawikang Mandaya ng Davao Oriental RAYMUND M. PASION Davao Oriental State College of Science and Technology, Mati City, Davao Oriental, Philippines raypasion@yahoo.com Date Received: July 20, 2014; Date Revised: October 30, 2014 Abstrak - Ang pag-aaral naito ay naglalayong tuklasin ang morpolohikalna varyasyon sa Wikang Mandaya na matatagpuan sa Probinsyang Davao Oriental. Ang mga terminong kultural na pangkabuhayan — pagsasaka, pangangaso, pangingisda at paghahayupan, batay sa Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) ay ginamit bilang lunsaran ng paglilikom ng mga datos. Sinikap sagutin sa pag-aaral ang mga suliraning: (1) Anong pagbabagong morpoponemiko ang makikita sa mga terminong kultural na pangkabuhayan ng Mandaya ng Caraga, Manay, Bagangaat Cateel? (2) Paano nagaganap ang pagbabagong morpolohikal sa apat na dayalekto ng Mandaya? Kwalitatibo ang disenyo ng isinagawang pag- aaral.Metodong indehinusat deskriptibo naman ang ginamit mula sa paglilikom hanggang sa pag-aanalisa ng mga datos at ang mga impormante ay pinili sa pamamagitan ng kombinasyong purposive at snow-ball sampling. Natuklasan sa pag-aaral na mayapat na uri ng pagbabagong morpoponemiko ang nagaganap sa salita ng iba’t ibang dayalekto ng Mandaya. Ito ay ang pagpapalit ng ponema, pagkakaltas ng ponema, pagdaragdag ng ponema at metatesis. May tatlong kaso ng pagpapalit ng ponema ang natuklasan— (1) /l~l/ → /l/; (2) glide /l~l/ → /w/; at (3) /o/ → /u/ at vice versa. Ang kaso naman ng metatesis sa salita ay nangyayari sa Manay. Sa lugar ng Baganga, nagkakaroon ng pagkakaltas mula sa anyo ng salita sa Manay. Sa pangkalahatan, natuklasang ang wikang Mandaya ay nagkaroon ng varyasyong morpolohikal dahil sa paktor na heograpikal, sikolohikal at sosyolohikal na nagaganap. Mga Susing-Salita: Mandaya, Morpolohikal, Varyasyon, Wika I. INTRODUKSYON Ang mga katutubong Mandaya ay matatagpuan sa probinsya ng Silangang Davao ng Mindanao. Mandaya rin ang tawag sa kanilang ginagamit na wika. Itinuturing na Indigenous People (IP) ang mga Mandaya. Nabibilang ito sa 110 katutubo ng Pilipinas. Ang katagang Mandaya ay nagmula sa mga salitang man (tao) at daya (itaas na bahagi o itaas na bahagi ng ilog). Dahil rin dito, ang mga Mandaya ay tinatawag nainhabitants of the uplands (http://www.ncip.gov.ph). Naninirahan ang mga Mandaya sa bulubunduking bahagi ng Timog-Silangang Mindanao na binubuo ng Davao del Norte, Compostella Valley, Agusan del Sur, at Davao Oriental. Ang Davao Oriental ang may pinakamaraming populasyon ng mga Mandaya. Bagama’t iisang katutubong pangkat o grupo, napaghihiwalay ang mga Mandaya ng mga bundok at iba pang hangganan. Dahil sa heograpikal na sitwasyong ito, pinaniniwalaang umiiral ang varyasyon o dayalektal na varayti ng wikang Mandaya sa iba’t ibang grupong gumagamit nito. Nilayong alamin ng pag-aaral ang morpolohikal na varyasyon ng wikang Mandaya sa apat na munisipalidad. Sa pagtuklas ng varyasyong morpolohikal ng wikang Mandaya sa pag-aaral, binigyang-pansin ang pagbabagong morpoponemikong nagaganap sa salita ng iba’t ibang dayalekto ng Mandaya. Pagbabagong morpoponemiko ang tawag sa anumang morpemang nagbabago ang karaniwang anyo dahil sa impluwensiyang nagaganap sa kaligiran nito. Ang naturang pagbabago ay maaaring pagpapalit ng ponema, pagkakaltas ng ponema, pagdaragdag ng ponema, metatesis at paglilipat-diin. Sa kasalukuyang pag-aaral, ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa pagbabago nagaganap hindi sa isang partikular na wika kundi ang pagbabago ng wika sa iba’t ibang dayalekto. Tatlong uri ng pagbabagong morpoponemiko ang natuklasang nagaganap sa aspektong morpolohikal ng mga dayalekto ng Mandaya sa apat na munisipalidad. Ito ang pagpapalit ng ponema, pagkakaltas ng ponema, pagdaragdag ng ponema at metatesis.Isa-isang tinalakay dito ang pagbabagong ito.