A. Buod ng Pelikula Simple ang buhay ng mag-asawang Kaye at Edgar. Kaya lamang ay hindi kuntento si Kaye sa kita niya sa pagtuturo kaya’t pinasok na rin niya ang negosyo ng kanyang ama. Dahil relihiyosa ay madali niyang makukumbinsi ang kanyang mga kasamahan sa kongregasyong kanyang sinasambahan ay nag-ambag ng malaking investment dito. Ngunit hindi sa di inaasahang pagkakataon ay may naganap na krimen kaya hindi maisosoli ni Kaye ang ipinangakong kita sa takdang panahon. Dito niya makikilala ang tunay na ugali ng kanyang mga kasamahan sa simbahan dahil pagbabantaan ng mga ito ang pamilya dahil sa anim na milyong pagkakautang. Mapipilitang manghimasok si Edgar upang protektahan ang kanyang mag-ina at lalapit siya sa kanyang mga kapatid. Sila pala ay dating mga kasamahan ng Acetelyne Gang at babalakin nilang looban ang mismong simbahan na kinabibilangan ng mag-asawa. Simple din ang kwento at walang paliguy-ligoy na nasusundan natin ang kalooban ng isang desperadong amang handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Ibang-ibang John Lloyd ang mapapanod dito na lalong nagpaigting sa katauhan ni Edgar. Matalino ang pagkakasulat ni Yamamoto at ang paghahabi ng daloy ng kwento ni Matti dahil sa bawat eksena ay nakaabang ang manunuod kung anu ang susunod na mangyayari. May respeto ni Matti sa manunuod kaya’t hindi niya isinubo ang mga detalye o ang emosyon. May tiwala siya na kayang timbangin at pagdugtungin ng manunuod ang naratibo sa mga masasakit na pasabog sa lipunang