KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT ANG KASAYSAYAN NG PAG-AARAL A. PANIMULA Naging bahagi na ng buhay ng bawat isa ang mga tugtugin, musika o awitin at hindi maitatangging mayroong mga tao na hindi nakukumpleto ang bawat araw ng walang musikang napakikinggan ano pa man ang tempo, ritmo, at tono nito, makahulugan man ang mensahe ng mga awiting ito o hindi Maituturing na isang napakalaking bahagi sa musika ang mga manunulat na mayroong talento, malawak na pag-iisip o maging imahinasyon na nakakalikha ng mga awiting napapakinggan sa pang araw-araw. Maikokonsiderang, ang mga manunulat ng mga awitin o “song writer” ang nagsisilbing unang hakbang upang magkaroon ng awitin dahil kung hindi dahil sa mga manunulat na ito maaaring walang mga awitin ngayon. Mula sa mga ideyang naiisip ukol sa inspirasyon ng bawat manunulat ang bawat lirikong naisusulat ng bawat manunulat kaya't inspirasyonal ang bawat awitin ng mga manunulat. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Mr. C sa presscon at announcement ng 12 finalists sa Philippine Popular Music Festival o PhilPop 2015, kung saan si Mr. C o Ryan Cayabyab ang executive director ng PhilPop MusicFest Foundation Inc., ang organizer ng naturang annual songwriting competition. Ginanap ang presscon noong huwebes, Abril 16, sa Sequoia Hotel, sa Mother Ignacia Ave., Quezon City. 1