“Ang Epekto ng Larong Online sa Performance ng mga Estudyante sa Senior Highschool” Panimula Ang computer games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid lamang. Masaya at nakalilibang ang pag-lalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin Ngunit ito din ay may mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon.(Bryan Mags, 2011) Ang Online Game ay isang laro na gumagamit ng iba't ibang uri ng computer network. Madalas na ginagamit dito ang Internet o kahit anong pang katumbas na teknolohiya, subalit nagagamit naman ng mga laro ang kahit anong teknolohiya meron: modem bago ang Internet, at hard wired terminal bago ang modem. Ang pagpapalawak ng online gaming ay sumasalamin sa pangkalahatang pagunlad ng mga network na computer mula sa maliit na lokal na network sa Internet hanggang sa paglago sa pagkunekta sa Internet mismo. Ang mga online games ay maaaring sumaklaw mula sa simpleng mga salita lamang hanggang sa mga laro na may kumplikadong grapika at virtual na mundo na maraming mga manlalaro. Maraming mga online games ang may online na komunidad, na nagiging paraan ng pakikisalamuha sa ibang tao na kabligtaran kung solong naglalaro. (Agosto, 2011) Pinag-uusapan na ngayon ng American Medical Association (AMA) kung ituturing na bang isang mental illness ang Video Gaming Addiction. Bagaman marami pang pag-aaral na kailangang gawin, nakakabahala na ito dahil nakaabot na ito sa atensyon ng mga sikolohista at eksperto sa medisina. Pinatunayan ng isang pag-aaral sa Iowa State University na hindi mapaghihiwalay ang violent video games sa pagiging marahas ng mga kabataan. Hindi makakaila na may epekto ang paglalaro ng video games sa emosyon ng maraming kabataan. Mas tumitindi ang masamang epekto ng mga mararahas na video games sa buhay ng isang kabataan kung nararanasan at nakikita niya rin ang mga bagay na ito sa kaniyang buhay at paligid.(Francis Jamie, 2011) Sa Pilipinas isa ang mga online na laro sa mga nilalaro ng mga kabataan ngayon at dahil sa sobra nilang paglalaro dumadami na sa kanila ang lumiliban sa clase at ito ay nakakabahala sa mga magulang at sa paaralan.(Reuel John F. Lumawag, 2015)