Ang Sinaunang Kabihasnan ng Mundo: Fertile Crescent 1. Fertile Crescent Ang Fertile Crescent ay tumutukoy sa nakalatag na matabang lupain sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates na sinasabing tunay na pinagmulan ng sibilisasyon. Ito ay nakalatag ng paarko mula sa Persian Gulf hanggang sa Mediterranean Sea. Sakop ng lupaing ito ang Israel, Lebanon, Jordan, Syria at Iraq. Ang Mesopotamia o lupain sa pagitan ng dalawang ilog ay naging lundayan ng mga sinaunang kabihasnan ng mga Sumerian, Akkadian, Babylonian at Assyrian. Sa ngayon, ang kabuuan ng ilog lambak ay bahagi na ng Iraq. Fertile Crescent ay may walong kabihasnan na unang nagtayo ng panahanan sa Mesopotamia. 2. Mga bansang bumubuo sa Fertile Cresecent: Syria, Kabisera: Damascus Jordan, Kabisera: Amman Lebanon, Kabisera: Beirut Israel, Kabisera: Jerusalem Iraq, Kabisera: Baghdad 3. Bumuo o gumuhit ng isang dayagram na nagpapakita sa paglinang ng mga sinaunang kabihasnan sa Fertile Crescent alinsunod sa hugis nito. At bumanggit ng isa hanggang tatlong paglalarawan sa mga ito. Mga Sistemang Sistemang Sistemang Mga Ambag/