PAGMINA SA PILIPINAS Mula 1970, naging laganap na ang pagmina dito sa Pilipinas.1 Ang yamang mineral ng ating bansa ay ang dahilan ng kilusang pagmimina na sinasabing malaking tulong sa Pilipinas.2 Sinasabi ng mga opisyal na pagmimina ang sagot sa kahirapan at kawalang trabaho dito sa ating bansa.3 Nagbibigay ng mahahalagang kayamanan ang pagmimina. 4 Ang mga mineral na nakukuha sa pagmimina ay ginagamit sa iba’t ibang materyal ng maraming industriya na nagpapatakbo ng mundo.5 Ang mga operasyon ng pagmimina ay kadalasan ginagawa sa mga malayo at tagong probinsya dahil madalas nakikita ang mga mineral sa mga malalalim na parte ng lupa na hindi pa nagagalaw sa matagal na panahon.6 Ayon sa survey nung taong 2013, mayroong 11.1 milyong Pilipino ang walang trabaho.7 Imposibleng mabuhay nang walang mina at naglilikha ito ng libong trabaho.8 Nakakapagbigay ng dagdag trabaho at dagdag kita para sa ekonomiya ang pagmimina.9 Subalit hindi puro positibo ang nadadala nito sa atin.10 Kahit nagbibigay ng trabaho, mahahalagang kayamanan, at nag-aangat ng kahirapan, nakakasira ng kalikasan ang pagmimina.1 Naaapektuhan rin nito ang kabuhayan ng mga magsasaka at ang ekolohiya ng Pilipinas.2 Ang mga mineral na nakukuha ay mga “non-renewable”.3 Ibig sabihin, kapag nagamit na ito, hindi na ito pwedeng gamitin pa ulit.4 Hindi magagawa ang pagmimina nang hindi naaapektuhan ang paligid. 5 Maraming magsasaka ang nagsasabi na bumaba ang produksyon ng mga panananim nila simula ng dumating ang minahan sa kanilang lugar.6 Nakakaapekto rin ng lawa at dagat ang pagmimina na nakakaapekto sa ating mga magsasaka.7 Ang mga nagtratrabaho sa minahan ay nagsisikap pa rin marating ang ekonomikal na pangako ng pagmimina.8 Ang mga trabahong binigay sa kanila ay hindi sapat ang kita kumpara sa mga kailangan nilang pagdaanan.9 Sa mga lugar na laganap ang minahan, nananatili pa ring mahirap ang mga tao.10 Hindi sapat ang mga mineral kapalit ng pagkasira ng kalupaan at karagatan.1 Nakakalungkot rin na ang mga taong nakatira sa lugar kung saan may minahan ay hindi nakikinabang dito.2 Ang pagmimina sa Pilipinas ay nakakatulong naman talaga sa mga mineral at pagbigay ng trabaho.3 Ngunit hindi ito sapat para sabihin na ito ang daan tungo sa kaunlaran.4 Matagal nang andito sa bansa natin ang pagmimina ngunit ang totoong kalidad ng buhay ay hindi pa nakakamit.5 Ang mga probinsya kung nasaan ang minahan ang patunay kung bakit hindi natin maitatawag na daan sa pag-unlad ang pagmimina.6 Hindi masama ang pagmimina ngunit hindi rin ito mabuti.7 Hindi kailangang tuluyang alisin ang pagmimina sa ating bansa, ang kailangan natin ay mas striktong pagkontrol dito.8 Ang mga mineral na nakukuha sa pagmimina ay hindi na tumutubo pang muli kaya’t ang pinsala na dulot ng pagmimina ay nag iiwan ng marka sa loob ng mahabang