FILIPINO: PINAGYAMANG PLUMA AKLAT 2 – EL FILIBUSTIRISMO “Karapata’y ipaglaban sa wasto at mainam na paraan.” Trixie Joyce B. Martinez – 10-SA Kabanata 1: Sa Kubyerta El Filibusterismo: ito ang walang kamatayang kuwentong pagibig na gawa ni Jose Rizal. Hindi ‘yung pagibig ng lalaki para sa isang babae, ngunit ‘yung klaseng pagibig ng isang lalaki para sa kanyang bansa. Mahal ni Rizal ang kanyang bansang Pilipinas. Bilang isang patunay ay hindi siya natatakot sa paggawa ng kuwento tungkol sa minamahal niyang bansa, kahit na ipinagbabawal ito. Ngunit hindi niya pinadaan sa simpleng “gusto kita” ang kanyang kuwentong pagibig; ginamit niya ang mga isyung panlipunan sa bansa upang mamulat ang mga Pilipino sa katotohanan at sa huli ay magawan ng solusyon itong mga isyung panlipunan. Isang sa mga isyung hanggang ngayon ay buhay pa rin sa kasalukuyang panahon ay tinatalakay sa Unang Kabanata. Ang unang kabanata sa kuwentong El Filibusterismo ay tungkol sa pagkakaroon ng hindi pantay na karapatan sa pagitan ng mga tao sa lipunan. Makikita rito ang Bapor Tabo na sadyang nahahati sa dalawa: ang kubyerta at ang ilalim nito. Dahil dito, makikita rin ang paghahati ng mga taong nakasakay sa Bapor: ang mga nasa itaas at ang mga nasa ibaba. Binigyang pansin sa unang kabanata ang mga taong nasa kubyerta na kung saan pinaguusapan nila ang paglalim ng Ilog Pasig at nagtangkang bigyan ng solusyon ang problemang ito. Para kay Rizal, tanging ang mga mayayaman at ang mga nasa itaas lamang na posisyon sa lipunan ang mas nagkakaroon ng