IMPORMAL NA SEKTOR Katangian ng impormal na sektor: o Hindi nakarehistro sa pamahalaan o Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo o Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo Kabilang sa impormal na sektor ang mga sumusunod: Sidewalk vendors, nagtitinda ng sigarilyo sa lansangan, nagpapasada ng pedicab, naglalako ng gulay at isda, nagbebenta ng prepaid cell card, naglalako ng kakanin at iba pa. Ilan sa mga pinaniniwalaang dahilan kung bakit pumapasok ang mga mamamayan sa impormal na sektor: o Upang makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan o Upang makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o Upang makapaghanapbuhay na hindi kakailanganin ang masyadong malaking kapital o puhunan o Upang mapangibabawan ang matinding kahirapan Kahalagahan ng Impormal na Sektor o Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi nakapasok bilang mga regular na empleyado sa isang kompanya o Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na makapaghanapbuhay o Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga mamamayan o Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan o Malaki ang naitutulong nito ng mga kalakal at serbisyo nito dahil sa murang halaga Dahilan ng Paglaganap ng Operasyon ng Impormal na Sektor o Kawalan ng sapat na regulasyon mula sa pamahalaan o Labis na regulasyon mula sa pamahalaan Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya o Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis ng pamahalaan o Banta sa kapakanan ng mga mamimili o Paglaganap ng mga ilegal na gawain Panganib sa Impormal na Sektor o Maaaring walang sapat na proteksiyon sa katawan ang mga manggagawa habang nagtatrabaho o Mapanganib sa mga naglalako (ambulant vendors) ang kalsada dahil sa mga ruumaragasang sasakyan o Kalimitan hindi sila sakop ng insurance o Dahil sa kawalan ng nasusulat na kontrata ay maaaring lumaganap ang mga kaso ng paglabag sa kasunduan Ang Impormal na Sektor at Globalisasyon Pagpapaliwanag tungkol sa impormal na sektor ayon kay Yuzon: o Maaari silang ituring na biktima ng globalisasyon o Maaaring ituring ang gawaing ito na isang paraan ng pag-angkop ng mga mamamayan sa masasamang epekto ng globalisasyon sa ekonomiya at lipunan Sinasalo ng impormal na sektor ang biktima ng globalisasyon tulad ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga lokal na kompanya. IMPORMAL NA SEKTOR design by Dóri Sirály for Prezi Ang paglaganap ng impormal na sektor ay maaaring ituring na manipestasyon ng pagiging