4 NA KATANGIAN NG ISANG MABUTING ESTUDYANTE SA KOLEHIYO Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Educaon –Teaching Chinese as a Second Language Paaralan: Philippine Cultural College Petsa: Hunyo 18, 2015 I. Introduksiyon A. Background ng proyekto Ang makabuluhang proyektong ito ay isang pananaliksik tungkol sa 24 na Katangian ng Isang Mabung Estudyante sa Kolehiyo. Ang paksa ng pananaliksik na ito ay napiling ibigay sa mga mananaliksik na sina Elena Tacata at Ma. Lourdes Quinabo ng kanilang propesor sa Filipino II na si Beverly Siy. Noong ikalawang semestre, sa asignaturang Filipino II, kadalasan, kung hindi man nahuhuli sa pagdang sa klase, lumiliban naman ang mga mananaliksik sa nabanggit na asignatura. Sa kadahilanang ito, walang nakukuhang puntos ang mga mananaliksik sa kanilang quizzes at kung papasok minsan, mababa naman ang mga nakukuha nilang puntos. Nagbigay naman ang propesor ng pananaliksik na siyang magiging proyekto buong semestre. Hina ang klase at nagkaroon ng grupo-grupo. Habang tumatagal, isa ang grupo ng mga mananaliksik, na siyang laging huli sa pagpasa ng mga draſt ng pananaliksik na dapat maitama ng propesor. Nang dumang ang depensa para sa pananaliksik, ang mga mananaliksik at ang mga kagrupo nila ay hindi nakapagtanghal ng kanilang tapos na gawa. Dahil doon, nagkaroon sila ng Extension Class ngayong Mayo-Hunyo 2015 para tapusin ang bago at sarili nilang pananaliksik.