Dahilan ng Pagkawala ng Pokus ng Mag-aaral sa Klase Introduksiyon Ang pagkakaroon ng pokus ay isang napakahalagang katangian na dapat taglayin ng isang mag-aaral sa klase. Kinakailangan ito ng mga mag-aaral upang mas mapagbuti ang pag- aaral. Makakatulong ito sa bawat isa upang mas maging aktibo at interesado sa klase. Isa pang kadahilanan kung bakit kailangan ang pagkakaroon ng pokus sa klase ay upang makatuklas ng mga bagong kaalaman, karaniwan man o higit sa karaniwan. Pinakahuli ay kinakailangan ang pokus na ito sa klase upang ang mga kaalamang ito ay mas mapalawak at mapayabong. Ang mga kadahilanang ito ay malaki ang maitutulong tungo sa pagtatapos at pagkatuto sa pag-aaral upang maging matagumpay at magkaroon ng magandang kinabukasan. Kung wala ito ay mahihirapan ang isang mag-aaral na matanggap ang mga kaalamang dapat matutunan at tagumpay na nararapat makamtan. May mga mag-aaral na nakararanas ng ganitong sitwasyon at iba’t-iba ang mga kadahilanan nito. Sa panahon ngayon, maraming bagay na para sa mga mag-aaral ang maaaring madaling makapagpawala ng pokus sa klase. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod na kadahilanan o rasong maaaring kaugnay sa pagkawala ng pokus ng mag-aaral sa klase. Una ay ang pagkakaroon ng barkada sa loob o labas man ng klase. Kung minsan ang mga mag-aaral ay tila wala ring disiplina sa sarili tulad nalang ng pagiging magulo at hindi seryoso sa loob ng klase. Nang dahil dito ay naaapektuhan na ang ibang mag-aaral. Nawawalan na ng sapat na konsentrasyon ang mga mag-aaral na kinakailangan upang matanggap ang mga kaalamang itinuturo ng mga guro. Pangalawa at sa ring maaaring dahilan nito ay ang pagkabagot ng mga mag-aaral sa loob ng klase. Maaaring ang mga ito ay naghahanap pa at maaaring gusto pa ng iba