KATAWAN Ano ang magiging epekto ng maagang pagbubuns? May hindi mabung naidudulot ang maagang pagbubuns sa pamilya ng babaeng maagang nagdalang-tao. Maaaring makaranas ng pagkabigo ang mga magulang at iba pang malapit sa kanya. Hindi madaling responsibilidad ang pagkakaroon ng anak sa murang edad. Sa kabila ng lahat ng ito, ang pinakamalaking epekto ay mangyayari sa ina at sa kanyang dinadala. Narito ang ilan sa mga epekto ng maagang pagbubuns sa: Ina – Isa sa pinakamalaking maaapektuhan ng maagang pagbubuns ay ang edukasyon. Ang isang babaeng maagang nagdalang-tao ay kadalasang humihinto sa pag-aaral ng hayskul o kolehiyo. Sila ay kadalasang hindi nagkakaroon ng sapat na edukasyon na nagreresulta naman sa kawalan ng trabaho. Ang nakakasama pa nito ay maraming batang ina ang hindi nakakatanggap ng sustento mula sa ama ng kanyang anak kaya nagdedepende na lamang sila sa kanilang mga magulang upang mabuhay. Maraming babaeng maagang nagbuns ang nabubuhay sa kahirapan ngayon dahil sa kanilang kondisyon. Mataas din ang bilang ng mga batang ina na nagpapakamatay kaysa sa mga babaeng hindi maagang nagbuns. Ayon sa mga pananaliksik, mas mataas ang posibilidad na masundan ang pagbubuns sa loob ng dalawang taon mula noong una itong nangyari. Karamihan sa mga kabataang maagang nagbuns ay hindi pa marunong sa mga responsibilidad ng pagiging isang ina. Sanggol – Kadalasan sa mga sanggol ng mga batang ina ay ipinanganak na kulang sa mbang at sakin. Mas mataas din ang kanilang posibilidad na magkaroon ng mga komplikasyon at kapansanan. Ang mga bata na ipinanganak ng mga babaeng maagang nagbuns ay maaaring mas mahina sa klase at mas matagal ang development kaysa sa mga batang ipinanganak ng mga inang nasa 20 taong gulang pataas. Ayon sa isang pananaliksik, ang mga batang ina ay may mataas na posibilidad na mahirapan sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang anak at hindi masyadong sensibo sa pangangailangan nito. Ang isang isinagawang pag- aaral naman ay nagsasabing karamihan sa mga anak na babae ng mga batang ina ay maaga ding makakaranas ng pagbubuns samantalang ang mga anak na lalak ay mas mataas na posibilidad na makulong sa kanyang paglaki dahil sa kakulangan ng paggabay.