Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pangunahing kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang paglahad ng importanteng papel ng teknolohiya sa pagpuna ng kinakailangang isumiting Gawain ng mga mag-aaral. Sa ngayong panahon, ang teknolohiya ay isa sa mga malaking essential na parte ng buhay ng tao lalong-lalo na sa mga mag-aaral sa STEM-A. Hindi natin maipagkakaila na kahit ano pang negatibong mayroon ang teknolohiya hindi pa rin natin maibabalewala na ang teknolohiya ang nagiging daan upang maaccomplish ang lahat ng mga gawain sa isang upuan lamang o minsan ay sa isang pagpilantik llamang ng ating mga daliri.