Lawrence Clyde Paraiso BIT33 Talambuhay ng Guro sa Noli Me Tangere Ang guro sa “Noli Me Tangere” ay isang binata na may angking husay sa larangan ng pagtuturo. Siya rin ang nagsabi kay Crisostomo Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Malaki ang utang na loob ng guro kay Don Rafael dahil noong bagong salta pa lamang ito sa San Diego, siya ang tumustos sa kanyang pangangailangan sa pagtuturo. Maraming sagabal sa matagumpay niyang pagtuturo, isa na rito ang kakulangan ng magagastos. Dumagdag pa dito ang kawalan ng kooperasyon ng mga magulang ng mga estudyante at ng mga taong nasa pamahalaan. Ang klase na pinapangunahan ng guro ay ginaganap sa silong ng kumbento. Nagagalit ang kura sa kadahilanang malakas bumasa ang mga estudyante kaya naman nakakaranas ang mga bata na murahin at sigaw sigawan ng kura. Sa kasipagan ng guro, madaling natutunan ng mga estudyante ang wikang kastila. Ngunit sa kabilang banda ay nilait lamang siya ni Padre Damaso dahil ayon sa pari ay hindi nababagay ang wikang kastila sa katulad ng guro na mangmang. Ang guro ay hindi gumagamit ng pamalo upang making ang mga mag-aaral sa kanya. Ngunit hindi ito nagustuhan ng kura kaya inutusan siya na ibalik ang pamamalo sa mga mag-aaral. Nagkasakit ang guro dahil dito ngunit nang siya ay bumalik sa