Libertad National High School Senior High School – Science Technology Engineering & Mathematics Strand 1 KABANATA I Panimula Kaligiran ng Pag-aaral Ayon sa pag-aaral ng Student Health and Wellbeing (2015), ang pagkalulong sa bawal na gamot o drugadiksiyon sa Pilipinas ay lumalala at umaabot na sa sukdulan ang mga epekto nito hindi lamang sa mga matatanda kundi lalo na sa mga bata edad 12 pataas. Halos lahat na gumagamit ng Droga ay pawang mga menor de edad na hindi nagagabayan ng mga magulang, naimpluwensiyahan ng mga kaibigan at dala ng kuryusidad na walang kaalam- alam sa mga nagbabadyang epekto nito sa kanilang kalusugan maging sa kanilang kinabukasan. Karamihan sa mga estudyanteng nasasangkot dito, ay mababa ang karunungang bumasa’t sumulat o yaong mga estudyanteng walang pakialam sa pag-aaral at kadalasang nauuwi sa pagrerebelde sa mga magulang. Kung kaya, ang Barkada Kontra Droga (BKD) ay naglalayong magbigay ng malalim na kahulugan sa totoong ibig sabihin ng Drug Educaon sa mga estudyanteng walang kamalayan sa epekto ng Droga sa kanilang buhay. Nasasakop nito ang pagbuo ng kasanayan sa buhay ng isang estudyante, pagtuturo ng mabung asal, pagtataguyod ng mabung kaugnayan sa kapwa at niyak na ang mag studyante ay konektado sa kanilang pag-aaral, panlabas na impluwensiya tulad ng, media, pamilya at mga kaibigan. At dahil dito, ang BKD ng Libertad Naonal High school ay nagtakda ng iba’t ibang programa at mga pagsasanay sa mga estudyante sa pamamagitan ng Drug Symposium at Kulminasyon ng Barkada kontra Droga (BKD) upang maturuan sila kung paano nakakaapekto ang Droga sa kanilang buhay at upang maturo din sa kanila ang tamang daang tatahakin nang sa gayon ay matatamo nila ang tagumapay na inaasam sa buhay. Kaugnay nito, ginawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito upang malaman kung paano nakakaapekto ang mga pagsasanay at mga programa na isinasagawa ng BKD sa akademik performans ng isang estudyanteng sangkot sa Droga at upang malaman din kung naging epekbo ba ang mga kasanayang ito sa papigil sa lumalalang pagkalulong ng mga estudyante sa Droga. At nais ng mga mananaliksik na gamin ang iba’t ibang programa ng BKD nang sa gayon ay makuha ang ninanais na resulta dahil sa pamamagitan nito,