ANG KAHALAGAHAN NG PAG-GAMIT NG KOMPYUTER SA MGA MAG- AARAL NG BACHELOR OF SCIENCE AND INFORMATION TECHNOLOGY SA CAVITE STATE UNIVERSITY CAMPUS, INDANG CAVITE KABANATA 1 Introduksyon Sa pag-usbong ng bagong ekonomiya at paglago ng makabagong panahon, unti-unti na ring nagbabago ang pamumuhay ng mga tao sa mundo. Sa paglipas ng mga siglo ay unti-unti nababago at napapadali ang pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao dito sa mundo. Isa sa mga naging pangunaging sangkapan upang mapadali ang pamumuhay ng mga tao ay ang "kompyuter". Isang makabagong teknolohiya na nilikha ng mga tao upang mas mapadali ang pagpoproseso ng nga iba't ibang bagay dito sa mundo. Maraming nagagawa ang isang simpleng bagay na gaya nito. Mas marami na din ang higit na gumagamit nito hindi lamang sa paglaganap ng impormasyon, pagpapabilis ng komunikasyon at pag-aaral ng mga bagong bagay dito sa mundo. Ang kompyuter bilang paglaganap ng impormasyon ay malaki ang naitutulong di lamang para sa mga taong gumagamit nito sa kani-kanilang mga trabaho kundi rin para sa mga kabataang nangangailangan nito para sa kanilang mga pananaliksik na papel at iba't-ibang pag- aaral. Nagagamit din ang kompyuter sa pagpapabilis ng komunikasyon dahil hindi noong mga nakalipas na panahon, matagal tagal bago pa makuha ang isang panulat na nagmula pa sa isang tao papunta sa isa pa. Sa paglipas ng panahon, hindi lamang ang mga tao ang umuusad sa pagbabago na dala ng mga makabagong teknolohiya. Habang umuusad at nagbabago ang mga tao ay nagbabago din ang mga teknolohiya at mas lalong umuusbong at nababago ang kakayahan nito at ang mga kaya nitong gawin. Sa kasalukuyang ekonomiya, gingamit na ang makabagong teknolohiyang ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral hindi lamang mula sa elementarya, sekondarya pati na rin sa kolehiyo. Sa katunayan ay may mga kurso o batsilyer na ang pangunahing kasangkapan ay ang kompyuter. Sila ang mga kabatan na inaasahan na mas makakapagpago at makakapagpalago ng mga kakayahan at kayang gawin ng makabagong teknolohiyang ito, ibig sabihin ay mas