Isa ang Coca-cola sa pinakamatagumpay na kumpanya sa mundo na mayroong kita na nagakakahalagang US$ 45.998 billion. Matuturing ang kumpanyang ito na isa sa pinakamagaling na kapitalista sa buong mundo dahil sa kanilang kabuuang kita sa bawat taon. Dagdag pa sa kanilang tagumpay ang pagiging kilala ng kanilang kumpanya sa halos lahat ng bansa maliban na lamang sa Hilagang Korea at Cuba. Ang salitang “Coca Cola” rin ay ang pangalawa sa pinakasikat na salita sa buong mundo. Isang malaking katanungan kung paano naabot ng isang maliit na Botika sa tungo sa rurok ng tagumpay bilang isa sa mga pinakamalaking kapitalistang kumpanya sa buong mundo. Ayon sa mga katiwatiwalang mga batis, ang pagsasagawa ng mga epektibo at kontrobersyal na mga patalastas (Elmore, N.D.). Ang mga patalastas ay lubos na ginagastusan ng Coca-Cola. Mayroong mga patalastas na may mga jingle na nakakakuha ng attention tulad ng patalastas ni Nikki Gil noong unang bahagi ng 2000, mayroon rin nagbibigay kurot sa damdamin dahil sa pagtalakay sa mga kultra ng ating bayan. Sa pamamagitan ng mga patalastas na kanilang pinagkakagastusan, tayong mga mamimili ay dahan-dahang naaapektuhan, ngunit sa paaanong paraan ba tayo naaapektuhan nito? Gaano ba katotoo ang sinasabi ng mga patalastas na ito? Maganda ba o hindi ang epekto ng mga patalastas ng nasabing produkto sa may malalim na anggulo? Sa tagal ng produktong ito, sobrang dami na ng patalastas na nagawa ng kumpanyang ito. Layunin ng papel na ito na magbigay pagsusuri sa mga piling patalastas at alamin mas malalim na katotohanan ng bawat patalastas. Ang isang patalastas ayon sa Merrian-Webster Dictionary ay kahit anong ipanapakita sa publiko upang makatulong na makabenta o magpakalat ng anunsyo. Maaring idagdag sa kahulugan nito ang bilang isang pamamaraan upang magbigay kaalaman sa mamamayan ng presensya ng isang kumpanya, produkto, o tao. Kapansin-pansin na maraming mga patalastas ang hindi sumusunod ng lubos sa pormal sa paggamit at ng wika, tulad na lamang ng pagbibigay impormasyon. Hindi nasusunod ng mga ito ang pataka sa kaparaanan na kulang at pili lamang ang gustong sabihin ng mga patalastas. Karagdagan pa dito, sa pagsasaliksik ay napagalaman na ginamit ng mga kumpanyang gumawa ng mga palatastas ang mga isyu upang magmukhang solusyon o tulong ang kanilang produkto kagaya ng isa sa susuriing patalastas ng Coke. A. Patalstas tungkol sa Coke at Pamilya