Instusyon: SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY Taong Panuruan: 2 nd Semester 2016-2017 Asignatura: Filipino 211 Pagtuturo sa Filipino Paksa: URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN Taga-ulat: Felisa C. Bernaldez MAEd- Filipino Propesora: Dr. Eliza E. Bayang Layunin: Nauunawaan ang mga uri ng pangungusap ayon sa pagkakabuo o kayarian Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian 1) Payak – pangungusap na nagpapahayag ng isang diwa o kaispian lamang. Ito’y maaaring magtaglay ng payak o tambalang simuno o panaguri Ang payak na pangungusap ay maaaring binubuo ng mga sumusunod: a. Payak na simuno at payak na panaguri. Halimbawa: Ako ay nagliligpit ng aking mga basura. b. Payak na simuno at tambalang panaguri. Halimbawa: Ako ay nagliligpit at nagsasaayos ng aking mga basura. c. Tambalang simuno at payak na panaguri. Halimbawa: Ikaw at ako ay dapat magligpit ng ating mga basura. d. Tambalang simuno at tambalang panaguri. Halimbawa: Ikaw at ako ay dapat magligpit at magsaayos ng ating mga basura. 2) Tambalan – pangunugasap na nagpapahayag ng dalawang kaispian at pinag-uuganay ng mga pangatnig na magkatimbang tulad ng at , pati , saka , o , ni , maging , ngunit. Halimbawa: Gusto kong kumain ng ice cream ngunit wala akong pera. Ang nanay niya ay isang guro at ang kanyang tatay ay isang drayber. Sasama ka sa palaruan o pupunta ka sa palengke? 3) Hugnayan – pangungusap na binubuo ng isang punong kaisipan (sugnay na makapag-iisa) at isa pang katulong na kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa). Pinag-uugnay ito ng pangatnig na di magkatimbang tulad ng kung , nang, bago , upang , kapag , pa g, dahil sa , sapagkat . Kakikitaan ito ng relasyong sanhi at bunga. Halimbawa: Mataas ang pagtingin ng magulang ko sa kanya dahil sa magandang ugaling pinakita niya. Magiting na ipinagtanggol ni Bob ang kanyang kakayahang sumayaw nang siya’y pagtawanan ng buong klase. 4) Langkapan – pangungusap na binubuo ng dalawang punong kaisipan (sugnay na makapg-iisa) at isa pang katulong na kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa). Halimbawa: Tayo ang mamamayan ng Pilipinas at kailangan nating magtulungan upang tumatag ang ating ekonomiya.