Ang Noli at El Filibusterismo Si Jose Rizal ay itinuturing ng maraming Pilipino na pambansang bayani ng ating bansa. Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Siya ay nag-aral ng medisina sa Maynila at noong 1882, lumipad siya papuntang Espanya para ituloy ang kanyang pag-aaral doon. Noong siya ay nasa Europa, nagsimula siyang magsulat ng mga nobela. Isa sa kanyang mga isinulat ay ang Noli Me Tangere. Ang Noli Me Tangere ay tungkol sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas at nagbibigay tuon din ito sa mga Katolikong Prayle. Isinulat niya ang nobelang iyon upang maimulat ang mga Pilipino sa mga paghihirap na nangyayari sa bansa dahil sa pagsakop ng mga Espanyol. Layunin ng nobela ang mailantad ang kasamaang nagkukubli sa pamamahala ng Espanyol. Ang kanyang nobela ay nailathala noong 1887 sa Berlin. Ipinagbawal ang kanyang libro sa Pilipinas ngunit may mga ibang palihim na nagdadala. Dahil sa kanyang nobela, nang bumisita si Rizal sa Pilipinas, siya’y pinatawag ng Gobernador Heneral dahil sa mga paratang niya sa mga Espanyol. Ipinagtanggol ni Rizal ang kanyang sarili at siya rin ay humingi ng paumanhin. Nang bumalik si Rizal sa Europa, hindi siya tumigil sa pagsusulat. Noong 1891, inilathala niya ang kanyang pangalawang nobela na El Filibusterismo. Ito ay ang kasunod na nobela ng kanyang unang isinulat na Noli Me Tangere. Kanyang inialay ang nobelang El Filibusterismo sa tatlong paring martir o “GOMBURZA”. Layunin ng kanyang nobela na imulat ang Noong taong 1892, ay umuwi si Rizal at itinatag ang La Liga Filipina sa pag-aakalang kanyang masisimulan ang pagbabago sa Pilipinas. Ngunit siya ay inaresto ng mga Kastila at ipinatapon sa malayong bayan ng Dapitan. Ang pagpapatapon kay Rizal ay nakapagpalumo sa mga Pilipino, kabilang si Andres Bonifacio na miyembro ng La Liga Filipina. Kaya’t noong gabing itinapon si Rizal ay itinatag niya ang Katipunan. Ang pagkatapon ni Rizal sa Dapitan ay ginamit niya sa kapaki-pakinabang na bagay. Nagtayo siya ng eskwelahan. Tinuruan niya ang mga kabataan at magsasaka, inayos niya ang patubig sa isla at nanggamot siya ng mga maysakit. Noong ikaapat na taon ay pinayagan ang kanyang mungkahi na magsilbi siya bilang doctor sa Cuba. Subalit habang paluwas siya ng Maynila ay nadiskubre ang Katipunan at siya ay ipinahuli ng mga Kastila sa pag-aakalang siya an glider ng pag-aalsa. Nilitis siya subalit sa bandang huli ay napagpasyahan na siya ay ibaril sa Bagumbayan, Sa mga huling araw niya ay ikinulong siya sa Fort Santiago kung saan niya isinulat ang kanyang Huling Paalam. Kilala si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani sa kanyang dalawang nobela na pinamagatang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Itong dalawang nobela na ito ay kilalang kilala, sapagkat ang mga tinalakay dito ni Rizal ay ang mga sensitibong paksa noong kapanahunan nang pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Isa sa mga ito ay ang kalupitan at hindi makatarungang pagtrato nang mga Kastila sa mga Pilipino. Tinalakay din sa mga libro na ito ang mga Pilipino na walang ginagawa at tinatanggap na lamang ang mga pananakit at pang-aabuso nang mga Kastila sa kanila. Isa ring dahilan kung bakit sumikat and dalawang libro ni Rizal na ito ay dahil sa dami ng naging epekto nito sa mamamayan at lipunan. Isa sa mga epekto na ito ay ang pagbigay liwanag sa kahirapan na naranasan nang mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Nagising at namulat din ang ilang mga Pilipino sa pang-aabuso na ginagawa nang mga Kastilang prayle sa kanila. Dahil din sa mga librong ito ni Jose Rizal,