ANG KAHULUGAN NG EKONOMIKS Posted by Georg Kevin Paquet | Oct 10, 2011 | School Blog | 162 | Since at the school that I’m attending we are using our Philippine Language (Tagalog) in the discussion of Social Studies, I’ll gonna apply the same language to this lesson that I’ll be taken from my book. Sorry for the English people. ANO ANG EKONOMIKS? Ang ekonomiks ay agham na tumatalakay produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa. Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa kung paano maaaring maipluwensyiyahan ang isang tao dahil sa sistema ng ekonomiya. Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa pagpili ng likas na yaman kung saaan sagana ang isang pamahalaan. Ang ekonomiks ay isang agham na nag-aaral sa gawi ng taong may kinalaman sa ugnayan ng pangangailangan at kakapusang may alternatibong gamit. Ang ekonomiks ay pag-aaral ng sangkatauhan sa pangkakaraniwang pang-araw-araw na buhay. Sinusuri nito ang bahagi ng kilos ng tao at pangkahalatang iniuugnay sa pagkakamit at paggamit ng pangunahing pangangailangang materyal ng tao. Ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano tinustustusan ng tao o lipinan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mahusay na alokasyon o pagbabaha-bahagi ng pinagkukunang-yaman. Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kahulugang ibinagay ng ilang mga libro para sa asignaturang ekonomiks. Bagama’t tama ang lahat, iba-iba ang pananaw ng bawat isa ukol sa asignatura. Maari nating kunin ang mahahalagang puntos ng bawat isa sa pagbuo ng sarili nating kahuluguhan. Ang isang makabuluhang kahulugan ng ekonomiks ay maaring hatiin sa apat na mahahalagang bahagi: Isang agham-panlipunan