6/26/2017 PANULAT: ALBULARYO NG PAGBILAO: PAGAARAL SA MGA TRADISYUNAL NA PANGGAGAMOT SA PAGBILAO, QUEZON http://brenlovin.blogspot.com/2010/02/albularyongpagbilaopagaaralsamga.html 1/14 Ang mga blog na makikita ninyo sa pahinang ito ay pawang opinyon ng mayakda at pagaaral na isinagawa na pinaglaanan ng sapat na panahon at pagod upang maging interesante at kapakipakinabang sa mga mambabasa. Bukas ang mayakda sa anumang komento, suhestyon o pagtatama sa mga nakasulat dito. PANULAT Tuesday, February 2, 2010 ALBULARYO NG PAGBILAO: PAGAARAL SA MGA TRADISYUNAL NA PANGGAGAMOT SA PAGBILAO, QUEZON PAGLALAHAD NG SULIRARNIN Panimula Kaakibat na yata ng tao ang sakit sa pang‐araw‐araw na pamumuhay. Kahit anong pag‐iwas man ang gawin ng tao ay hindi mawawala ang mga karamdaman sa ating paligid. Magmula pa man noong unang panahon, ang sakit ay bahagi na ng pamumuhay ng tao. Ang iba sa mga ito ay nagagamot subalit ang ilan naman ay tanging Poong Lumikha na lamang ang nakakaalam ng kagamutan. Subalit isa lamang ang malinaw, may iba't‐ibang sanhi ang sakit na dumadapo sa katawan ng tao. Nariyan na ang dala ng pagod, maruming paligid, walang kontrol sa pagkain, hindi maususustansiyang pagkain, at ang iba pa nga ay sanhi ng hindi maipaliwanag na dahilan o mga sakit na dala ng mga nilalang na hindi nakikita ng ating mga mata. Kaya naman bawat sakit na dumadapo sa bawat tao ay may kanya‐kanyang pamamaraan ng panggagamot. May makabagong pamamaraan gamit ang siyensya at may tradisyunal din, gamit ang paniniwala o kapangyarihang ibinigay sa tao mula sa kalikasan o matinding pananampalataya. Sa puntong ito, ang pag‐aaral ng kasaysayang lokal ang nais ng may‐akda na pagtuunan ng pansin upang bigyang importansya ang mga naganap o nagaganap na mga pangyayari sa labas ng Kamaynilaan. Kaya naman sa papel na ito, napili ng mananaliksik ang kanyang kinalakihang bayan sa Lalawigan ng Quezon bilang lugar kung saan gagawin ang pag‐aaral, ang Bayan ng Pagbilao. Upang maitaguyod ang kasaysayan at kulturang pumapaloob sa nasabing bayan binigyan pansin ng mananaliksik ang tradisyunal na pangggamot sa Bayan ng Pagbilao . Subalit sa puntong ito, ang mga kababaihan lamang na nagsasagawa ng ganitong pamamaraan ng panggagamot ang kanyang pagtutuunan ng pansin upang mabigyang pagkilala ang mga kababaihan na magsisilbi ring pagbibigay lakas sa kanilang lahi. Ang mga nasabing kababaihang ito ay nagtataguyod ng tradisyunal na pamamaraan ng panggagamot gamit ang kanilang sariling pamamaraan na sa kanilang pananaw at paniniwala ay nakatutulong ng malaki sa kanilang mga kababayan at sa mga taong naniniwala sa kanilang kakayahan. Noong una pa man, malaki na ang naging gampanin ng mga kababaihan sa ating lipunan. Sa Pilipinas, naging kabahagi din ang mga kababaihan sa rebolusyon noong 1896 at maging sa kasalukuyan ay kalahok pa rin ang mga kababaihan sa rebolusyon ng CPP‐NPA laban sa pamahalan. Dalawang beses nang nagkaroon ang Pilipinas ng babaeng pangulo sa katauhan nina Pres. Corazon C. Aquino at Pres. Gloria Macapagal‐Arroyo. Patuloy ang paglakas ng kilusan ng mga kababaihan sa Pilipinas partikular ang GABRIELA na ngayon ay isa nang party‐ list. Matatandaan din na may iba't‐ibang tungkulin na rin ginampanan ang mga kababaihan sa larangan ng panggagamot sa katauhan ng mga babaylan. Ayon kay Bren Lovin Create Your Badge Facebook Badge Bren Lovin Reynele Bren Glorioso Zafra ang buo kong pangalan. Lumaki sa probinysa ng Quezon. Proud na tawaging PROMDI. Tipikal na probinsyanong may pangarap sa buhay. Mahilig magbasa at magsulat ng mga pangyayari base sa karanasan. Mapagmahal na pinsan, pamangkin, anak at kapatid. Mabuting kaibigan at mabuti ring kaaway. Malaki ang takot at paniniwala sa Poong Maykapal. Mahilig sa mga bata sapagkat pusong bata. Masayahin. May pagkasuplado. Mapili sa kaibigan. Mananatiling Berde sa Isip at About Me 2010 (4) April (1) March (1) February (2) ALBU LA RY O NG PA GBI LA O: PA G AA RA L SA MG A TR ADI SY UN A... TULI SA PU KP OK: KUL TU RA NG Blog Archive 0 Higit Pa Susunod na Blog» Bumuo ng Blog Magsign in