1 GRADE V IBA’T IBANG PAMAMARAAN NG PAG-IIMBAK NG PAGKAIN Ang ating bansa ay sagana sa prutas at gulay lalo na sa lalawigan. May mga panahon na sobrang dami kaya ito ay mura. Subalit kung wala sa panahon mataas naman ang halaga ng mga ito. Upang maiwasan ang pagkasira, lalo na kung ito ay napapanahon, at hindi kayang ubusin ang mga ito, mahalagang matutuhan mo ang mga pamamaraan sa pag-imbak nito. May iba’t ibang pamamaraan ng pag-iimbak ng pagkain tulad ng paggamit ng yelo, preserbatiba, at pagsasadelata. Mahalaga ang wastong kaalaman sa pamamaraan ng pag-iimbak ng pagkain. Ito ay maaaring pagkakitaan bilang hanapbuhay. Kaya sa modyul na ito, matututuhan mo ang iba’t ibang paraan ng pag- iimbak ng pagkain. ALAMIN MO