JOSON, Jessa V. (Awiting Pilipino) I. Sipi ng Akda Hari Ng Tondo Gloc 9 Kahit sa patalim kumapit Isang tuka isang kahig Ang mga kamay na may bahid ng galit Kasama sa buhay na minana Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama Ang hari ng tondo, hari ng tondo Baka mabansagan ka na hari ng tondo Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh Baka mabansagan ka na hari ng tondo [Voice: "May gatas ka pa sa labi, gusto mo nang mag-hari dito sa Tondo?"] Minsan sa isang lugar sa Maynila Maraming nangyayari Ngunit takot ang dilang Sabihin ang lahat Animo'y kagat-kagat Kahit itago'y 'di mo pwedeng pigilin ang alamat na umusbong Kahit na madami ang ulupong At halos hindi iba ang laya sa pagkakulong Sa kamay ng iilan Umaabusong kikilan Ang lahat ng pumalag Walang tanong Ay kitilan ng buhay Hukay, luha'y magpapatunay Na kahit hindi makulay Kailangang magbigay-pugay Sa kung sino mang lamang Mga bitukang halang At kung wala kang alam Ay yumuko ka nalang Hanggang sa may nagpasya Na sumalungat sa agos Wasakin ang mga kadena na siyang gumagapos Sa kwento na mas astig pa sa bagong-tahi na lonta Sabay-sabay nating awitin ang tabing na tolda Kahit sa patalim kumapit Isang tuka isang kahig Ang mga kamay na may bahid ng galit Kasama sa buhay na minana Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama Ang hari ng tondo, hari ng tondo Baka mabansagan ka na hari ng tondo Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh Baka mabansagan ka na hari ng tondo [Voices: "Sino ang may sabi sa inyo na pumasok kayo sa teritoryo ko? Amin ang lupang ito."