KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Hindi maipagkakaila na ang pagpupuyat ay hindi maiwasan ng mga kabataan sa panahong ngayon. Lalo na’t ang lumalago pa ang teknolohioya sa modernong panahon. Sa katotohanan, maraming kabataan ang nakakaranas nito. Ang pagpupuyat ay hindi lamang nakakaapekto sa ating kalusugan gayundin sa ating pag-aaral. Ayon sa pag-aaral ni Christopher Silas Neal noong 2015, 87% ng mag-aaral sa high school sa Estados Unidos ay hindi nakakatulog ng sapat. Ngunit sa ating bansa, wala pang naitala na bilang. Sa istatistikang nabanggit, masasabi natin na maraming mag-aaral sa high school ang nagpupuyat. Ayon sa website na tinatawag na WebMD, ang isang kabataan ay kailangan makatulog ng walo’t kalahati hanggang siyam at kalahating oras. Ayon naman sa website na tinatawag na Sleep Foundation, ang pagtulog ay kailangan upang gumana ng maayos ang ating isipan. Kaya kung kulang ito, masasabi natin na maaaring maapektuhan ang akademikong aspeto ng isang kabataan na nag-aaral. Sa makatuwid, ang pagpupuyat ay isang malaking salik sa ‘performance’ ng isang mag- aaral kung kaya’t minsan ay humahantong ito sa pagtulog niya sa klase na maaaring maging sanhi sa pagbaba ng kaniyang grado. Dahil dito, nais malaman ng mga mananaliksik ang epekto ng pagpupuyat sa akademikong aspeto ng mga mag-aaral mula sa Senior High School upang matukoy ang mga salik na nagiging