Mga uri ng kalamidad at mga kailangan paghahanda na dapat gawin BAGYO Ang bagyo ay isang malakas na hanging kumikilos ng paikot, na madalas ay may kasamang malakas at matagal napag-ulan. Ang bagyo ay isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang hangin subalit malakas naman anghangin sa eyewall nito.Public Storm Warning Signal (PSWS) ang PSWS ay mga babalang ipinalalabas ng PAGASA upang malaman kunggaano kalakas ang paparating na bagyo, saan ang lokasyon nito sa oras na inilabas ang PSWS, saan ang tinatayangdadaanan nito, at ano ang mga paghahandang dapat o maaari pang maisagawa ng mga komunidad namaaapektuhan ng pagdaan ng bagyo. • PSW Signal Number 1 – hanging may lakas mula 30-60 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 36 oras. • PSW Signal Number 2 – hanging may lakas mula 61-100 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 24 oras. • PSW Signal Number 3 – hanging may lakas mula 100-185 kph. Maaasahan ang pagdating sa loob ng 18 oras. • PSW Signal Number 4 – napakalakas na hanging hihigit sa 185 kph at maaasahan sa loob ng 12 oras. Mga dapat gawin BAGO dumating ang bagyo: 1.Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya; 2.Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira (katulad ng de-lata at biskwit), lalagyan ngtubig, first-aid kit o gamit at gamot na pang-unang lunas, at mga plastik na supot; 3 Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang malakas na ihip ng hangin (parasa mga kabahayan sa maralitang komunidad, tiyakin din na kakayanin ng haligi at dingding ang lakas nghangin sa pamamagitan ng pagtatali o pagpapako ng maayos sa mga ito); at 4.Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punongkahoy na malapit sa bahay. Mga dapat gawin HABANG may bagyo: 1.Ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ngbagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kapitbahay; 2.Siguraduhing may mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa 3.Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik na supot ang mga ekstrang damit, mga delata, kandila,posporo, baterya, at iba pang mahahalagang gamit; 4.Mag-ingat sa mata ng bagyo. Ito ang biglang pagtigil ng hangin at ulan at kalmado ang paligid sa isang lugar.Hudyat ito na pagkaraan ng halos 2 oras ay babalik ang mas malakas na hangin at ulan;5. Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo; at 6.Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nakasara ang tangke ng gas, atnakasusi ang pinto. Huwag kalimutan ang mga gamit pang-emergency. BAHA 1.Pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na ang resulta ay pag-apaw nito sakapatagan. 2.Ito ay dulot ng labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan o thunderstorm, pagka-ipon ng tubig dahil sapagbabara ng mga daluyan ng tubig, at tuluy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw.