Kabanata I : SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Panimula Sa panahon ngayon maraming tao ang sumusubok ng iba't-ibang bagay tulad ng pagbibisyo; isa na rito ang paninigarilyo. Hindi maitatangging tunay na laganap na ang paninigarilyo sa Pilipinas. Tila napakalaking suliranin sa ating bansa ang paninigarilyo, bata man o matanda, mahirap man o mayaman, propesyunal man o simpleng tao lang ay kinahuhumalingan din ang bisyong ito. Pinaniniwalaan na ang pinagmulan ng sigarilyo ay kinuha sa lugar ng Amerika at noong unang panahon palamang ay laganap na ang gawaing ito. Ang produksyon ng tobacco ay nagsimula sa Amerika, kung saan sinimulan ng mga tao ang pag-ubos ng mga dahon para sa paninigarilyo at sapa. Ang unang mga gumagamit ay tinuturing na mga Mayan sa kabihasnan sa gitnang Amerika. Ang mga tao ng mga Aztecs sa Timog Amerika ay sinundan ng durog na dahon ng tobacco, ibinalot ito sa pinatuyong balat ng mais para sa paninigarlyo. Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC . Nanglumipas ang 5000 taon, 1000 BC , nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayanna magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo, nagdala sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mga taon ay na isipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya. Ang paninigarilyo ay isang gawain na kung saan sinusunog ang sangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihit ng usok na inilalabas nito. Ayon sa mga dalubhasa, ang stick ng sigarilyo ay binubuo ng halos 4,000 kemikal na Dahon bilang 1