Baybayin at Laguna Copperplate Inscription: Bilang bahagi ng pag-aaral at pagpapaunlad sa Pambansang Wika tungo sa isang Pambansang Nasyonalismo Nikki Glen T. Berame Ruth Ibarrientos Yusoph Pangadapun III Para sa FIL 155 Dr. Vina Paz Unang Semestre, 2009-2010 INTRODUKSYON Ang usapin ng isang pambansang wika sa Pilipinas ay lubhang naging kontrobersyal sa ika-20 siglo ng kasaysayan nito. Sa bungad ng panahong nabanggit sinubok ng mga Pilipino, dahil sa impluwensya ng mga Amerikano, na bigkisin ang sarili sa mga aspetong politikal at lalo na ang kultural. Isa ang wika sa pangunahing naging balakid dito. Sa mga deliberasyon ng malayang gobyerno partikular sa 1935, 1973, at 1987 na Konstitusyon, nabuo ang iba’t ibang