Kabanata I: Sa Kubyerta Tagapagsalaysay: Umaga ng Disyembre ng maglayag ang Bapor Tabo, patungong Laguna, sakay angnapakaraming pasahero, habang binabagtas ang paliku-likong Ilog Pasig. Maituturing na ngang barkong lahing pilipino ang Bapor tabo o mas kilala sa tawag na daong ng pamahalaan dahil pinamunuanang mga Reverendos at Ilustrimos. Ito’y gawa sa bakal at animo’y hugis tabo, kung saan nakuha angpangalan nito. Nahahati ito sa 2 bahagi, sa itaas ay ang kubyerta at dito matatagpuan ang mgamanlalakbay na nakasuot- Europeo, mga prayle at mga kawani ng pribadong tangg apan nanananabako habang tumitingin sa tanawin. Ang tanging babae lamang dito ay si Doña Victorina nakahalubilo ang mga Europeo. Doña Victorina: (inis + taray+ pasosyal) Ang bagal naman ng bapor na ito! Hmpf! (makakakita ng maliliit na bangka at ng mga indios) Hay! Ano ba naman ang mga maliliit na bangkang iyon?! Mga sagabal sadaanan! Pati ang mga Indiyo! Dito pa sa ilog naliligo at naglalaba! (inis!) Mga perwisyo sa mundo!Umagang-umaga, sinisira na nila ang araw ko! Mga Pesteng Indiyo! *mga tao nakatingin sa kanya, Doña Victorina deadma lang* Donya Victorina: Kapitan! (pupuntahan ang kapitan) Kapitan! Bakit sa bahaging iyon pumupwestoang mga hangal mong tauhan? Kapitan Basilio: Dahil napakababaw roon, Señora (ipipikit ang kanyang mga mata) Donya Victorina: At bakit napakamahinahon ng takbo ng bapor na ito?! Hindi ba pwedeng bilisanang takbo ng makina?! Kapitan Basilio: Sapagkat sasadsad tayo sa palayan, Señora (ituturo ang palayan gamit ang kanyang labi) Ben Zayb: Hay nako !! Ang Ilog Pasig ay masyadong paliku-paliko! Dapat ituwid ito! Dapat itongituwid! Dahil dito, mabagal ang pag-usad ng bapor! Padre Camorra: Tama! Dapat hanapan nila ng paraan para palalimin ang ilog Pasig! Diba? Paranaman bumilis ang usad ng bapor at mga sasakyang pandagat! *adlib, Ben Zayb & P. Camorra sigawan* *Padre Salvi intervenes, quiet na sila* Padre Salvi: May Alam ka ba tungkol sa pantas ng agham, ha? Alam mo ba kung sino sila? (sabaysmirk) May isang tulay sa Puente del Capricho na hindi natapos dahil sa sinabi nilang mahina atmarupok daw ito? (parang matalino ang dating) Pero tingnan niyo buo parin ito hanggang ngayonkahit anong dumaan lindol at bagyo, hindi parin ito nabubuwag! Padre Camorra: Yan din ang nais kong sabihin! A- ang Puente del Capricho at ang mag pantas ngagham, y-yan din ang aking sasabihin Padre Salvi. >>Ben Zayb, tahimik lang & nakangiti; Padre Irene tahimik lang din, tumatango<<